Gasolinahan hinoldap ng riding-in-tandem sa QC

NILOOBAN na naman ng riding-in-tandem ang isang gasoline station sa Tandang Sora, Quezon City sa ikatlong pagkakataon sa loob lamang ng halos dalawang linggo.

Batay sa imbestigasyon, bumaba ang unang lalaki at nagsilbing look-out habang tinungo naman ng isa pang lalaki na nakasuot ng camouflage na damit ang cashier at tinutukan ito ng .38 kalibreng baril.

Habang nakatutok ang baril, inutusan ang kahera na ilagay sa isang lalagyan ang laman ng kaha na nagkakahalaga ng P4,000 na kinita nito sa pagbebenta ng petrolyo.

Ayon sa gasoline boy, namukhaan niya ang mga suspek na siya ring nangholdap sa kanilang gasolinahan sa nakalipas na dalawang pagkakataon.

Una nang hinoldap ang parehong gasolinahan noong Huwebes ng nakalipas na linggo at kinuha ang P2,000 sa kaha.

Makalipas ang tatlong araw, muli na namang inatake ng mga suspek ang gasoline station at tinangay naman ang P3,000 kita nito.

Tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklong may plakang 6749-PI.

Nagsasagawa na ngayon ng follow-up operation ang mga awtoridad kaugnay ng nabanggit na serye ng panghoholdap. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply