General ang kakuyangyangan ni Rosanna Roces!

HINDI kami naniniwala sa pahayag ni Rosanna Roces na blangko ang lovelife niya.

May nasagap kaming tsika na isang General ang dyowa niya ngayon na dating kaklase diumano ng ama ng panganay niyang si Grace Adriano.

Sey mo Osang?

-0o0-

FINALLY, napanood na rin namin ang “No Other Woman.” Naniniwala na kaming natalbugan talaga ni Anne Curtis si Cristine Reyes pagdating sa acting.

May effort kasi ang pag-arte ni Cristine pero di hamak naman na mas magaling siya sa Ate Ara Mina niya nu’ng nagsisimula palang ito sa showbiz.

Rebelasyon sa amin si Derek Ramsay. Malaki ang improvement niya sa acting niya at tinatawag pa siya ngayong the New Box Office King.

“Siyempre, ang sarap ng feeling na tinatawag akong Box-Office King. But do I feel that I’m the next Box-Office King? No, because it’s just one movie. Ang pagiging Box-Office King, dapat marami ka pang kailangang patunayan,” reaksyon niya sa titulong ito.

Talbog!

-0o0-

KAHIT anong abala ni Senator Bong Revilla, hindi siya nawawalan ng oras at araw para mag-taping ng kanyang Sunday show na Kap’s Amazing Stories na napanonood sa GMA-7.

Katuwiran ni Senator, may natututunan ang mga televiewer sa mga kwentong ipinalalabas nila sa KAS kaya hindi kailangang pabayaan ang show na ito.

Tamaa!

-0O0-

ISINAPELIKULA noon ni Phillip Salvador ang life story ng yumaong Senador Robert Barbers na “Bobby Barbers, Parak.” Kaya nang makatsikahan namin ang kanyang anak at former Surigao del Norte Congressman and Governor Ace Barbers ay tinanong din namin kung sino ang gusto niyang gumanap kung sakaling isapelikula ang kanyang life story. Buong ningning niyang sinabi na si Cesar Montano.

Dati siyang miyembro ng “Spice Boys” sa Kongreso. Sila yung mga bata, guwapo at tinitilian. Hindi ba niya binalak na mag-artista noon?

“Wala. Wala akong talent umarte,” aniya.

Pero na-link siya sa taga-showbiz?

Natawa lang siya at misteryoso ang dating ng tsismis na ‘yun sa kanya.

“Basta ako humahanga ako sa mga bagong artista ngayon gaya nina Sam Pinto. Iba ang dating. Sophisticated. Nakita ko sa magazine, ang ganda ng batang ito. Kay Cristine Reyes, Anne Curtis,” aniya pa.

Kay Marian Rivera? “Isa pa ‘yun”

How about Angel locsin?

“Not so much,” aniya dahil mas mahilig siya sa tisay.

Angelica Jones?

“Sino ‘yun?,” walang malisyang sagot ni Mr. Barbers kaya nagtawanan.

“Hindi ..natatandaan ko na tisay na comedienne. Naalaala ko na. Kilala ko na. natatandaan ko siya kasi nu’ng isang fiesta sa amin, nakuha na namin sa Surigao. Si Rhian Ramos, Diether Ocampo at si Kristine Hermosa. Mga mababait ang mga ‘yan,” aniya pa.

Bagamat wala sa posisyon ngayon si Mr. Barbers after ng tatlong termino na naging congressman at isang termino sa pagiging governor, hindi pa rin siya tumigil sa pagtulong sa mga tao sa likod ng pagpapaganda — parlor, barberya, massage, salon, etc.

Gusto niyang bigyan ng formal training ang mga taong gustong matuto o ma-enchance pa ang kanilang kaalaman as nabanggit na larangan. By that, libreng pag-aaral ang ibibigay ng kanyang itatayong foundation para sa mga ito.

“Kasi, maraming kababayang Pinoy ang napupunta sa iba’t ibang bansa na ang talino ay tulad ng mga nabanggit. Pero pagdatimg doon, hindi naman sila makakuha ng magandang trabaho, kasi wala namang pruweba na sila ay may kaalaman. Hinahanapan sila ng certificate o license.” sabi pa ni Mr. Barbers.

“Kaya nga, through our formal training, bibigyan namin sila ng license, at ito ang magiging pasaporte nila sa anumang trabaho, magkakaroon sila ng dignidad by saying na mayroon silang kaalaman dahil may pruweba.” aniya pa.

Maganda ang hangarin ni Mr. Barbers, katulong niya rito si Les Reyes (brother ni Mother Ricky Reyes na may-ari ng Reyes Haircutters). Inaayos na nila ang mga kaukulang gagawin para rito, ihahanda na agad ang training, ipaanunsiyo sa mga babasahin kung paano at saan pupunta ang mga nagnanais ng libreng pag-aaral. Imagine, this is for free, di ba’t ang gandang hangarin?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply