GenSan binaha:6 bahay inanod, 56 pamilya inilikas

ANIM na bahay ang inanod habang 56 na pamilya ang apektado makaraang bumaha sa PI 16 at Jhonny Ang Paradise, Brgy. City Heights sa General Santos City.

Ito ang kinumpirma ng awtoridad nang marespundehan nila kagabi, Oktubre 11, ang mga nagsilikas na pamilya sa naturang lugar na karamihan ay naninirahan sa gilid ng ilog.

Tinatayang halos lampas-tao ang baha na naging dahilan ng paglikas ng mga residente sa nasabing lugar.

Kasalukuyan namang nananatili sa oval covered court sa naturang lungsod ang apektadong pamilya habang binibigyan din ng relief goods ang mga ito ng lokal na pamahalaan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply