Gerald Anderson career muna ang focus

NAKAPANINIBAGO ang hitsura ni Gerald Anderson nang muling makita namin nang personal sa The Buzz last Sunday. Iba kasi ang hairstyle niya na siyang kinakailangan para sa bagong seryeng pinagbibidahan niyang “Budoy.” Malayo kung ikukumpara sa karaniwang clean cut na gupit ng kanyang buhok dati.

Happy raw siya na maganda ang feedback ng nakapanood ng special screening ng bagong seryeng pinagbibidahan niya sa ABS-CBN kung saan isang binatang kulang sa pag-iisip ang kanyang role.

“Siyempre nakaka-proud,” nangiting sabi ng binata.“Sobra talaga akong happy na nagustuhan nila. At… wala pa ‘yan. First week pa lang ‘yan.

“Marami akong preparations na ginawa para sa role ko rito especially mga research.  Tapos immersion. Mga workshops. Hindi lang ako kundi ‘yong buong cast pati ‘yong mga bata na kasama namin.”

Mariin nga niyang nasasabi na wala munang lovelife at sa kanyang career muna siya nagpu-focus ngayon. Talagang kaya niyang tiisin na wala muna siyang special someone?

“Talagang gusto ko lang muna pong mag-focus sa trabaho. Kumbaga, role of a lifetime nga itong Budoy so gusto kong mag-concentrate dito.”

Nakapagsimula na silang mag-shooting ni Sarah para sa pelikulang pinagtatambalan nila.

How was it working again with the Pop Princess?

“Oh… reunion! Siyempre masaya. Mas nakilala ko na siya nang mas malalim. So…masaya. And marami pa kaming shooting days na pagsasamahan. So marami pang mangyayari.”

May tendency bang magkagustuhan din sila kagaya ng ibang nagiging magkatambal sa trabaho?

“E… siyempre, gano’n po talaga,” nangiting sabi ni Gerald. “Hindi po namin sinasara ‘yong possibility. Kung mangyayari, mangyayari.”

Pero right now, nasaan na ‘yong level ng magandang samahan nila ni Sarah?

“Oh… friends! Malalim na po ‘yong mga pinag-uusapan namin. Mas marami na kaming mga pinag-uusapan.”

Tungkol naman saan ‘yong mga mas malalim at mas marami na nilang napag-uusapan ngayon?

“Secret!” natawang sabi na lang ng young actor. “Sa amin na lang iyon.

“Pero…alam mo ‘yon? I’m just happy na nakasama ko siya ulit.”

Hanggang gaano kaya katagal na wala siyang lovelife? Aabot ba ng Pasko?

“Tingnan natin. Alam mo kung single pa rin ako sa Pasko, hindi naman ako malungkot, e. Marami rin naman akong kasama at marami pang puwedeng mangyari,” panghuling nasabi ni Gerald.

***

SA PAGPASOK ni Boy Abunda sa Bandila, balitang nagsimulang maging two digits na ang ratings nito. Siyempre pa, tuwang-tuwa ang King Of Talk hinggil dito.

“Napakasaya!” aniya nga nang makausap namin last Sunday sa The Buzz. “Dahil ‘yong limang araw na ginawa ko ang Bandila, napakagaan at napakasaya. Bago. Something new.

“It’s something new talaga. Sa tinagal-tagal ko sa industriyang ito, ang sarap makatabi sa kanila. Ang tawag daw nila riyan ay reinvention. Pero hindi ko naman ginano’n ‘yon.

“Basta it’s something new. It’s pushing yourself to something that’s exciting.

“Kahit I think when I suggested this sa ABS-CBN, I don’t think we were aware that we could actually merge the idea of putting Bandila and me together. Pero nangyari.”

Hindi naman siya nailang dahil nga bago ‘yong ganito sa kanya?

“Aaminin ko, no’ng first day, nakikiramdam ako. Ako ang pumapasok sa kanilang bahay, e. Ayoko ‘yong ako ang pinakamataas ang boses. Hahaha!

“Nakikiramdam ka. Pero ‘yong… tamang timpla ang hinahanap mo.

“Marami pa. Like for example in the next few weeks, I’m being advised to opinionate more. Kasi medyo nakikiramdam ka rin na hindi ka masyadong OA.

“Hindi ka masyadong maingay. Dahil tinitimpla mo ‘yong news at ang iyong partisipasyon.

“At saka ang ganda ng loading. It’s loading very well.”

Gusto rin daw niya ‘yong nangyayari na may time silang magbiruan ng mga kasama ni- yang news anchors sa Bandila.

“Yeah! It’s very light. News is actually about people.”

‘Yon ngang episode na ini-interview niya si Aiko Melendez, biro ni Julius kapag isang Boy Abunda raw ang nag-i-interview, parang nag-a-apply ng trabaho.

“Mas may interaction. Mas may opinyon. Mas may commentary.”

May pagkakaiba bang pakiramdam ‘yong pag-upo niya sa Bandila at ‘yong pag-upo naman niya sa The Buzz?

“Oo naman!

“Kasi ang mga balita e… news, baha, politika, etc.

“Ang pagkakaiba ay binibigyan nila ng paggalang ang balitang-showbiz na kahilera ng balitang may kinalaman sa panahon, sa politika, at iba pa.

“So malaking pagkakaiba.

“At naka-kurbata ako!” pabiro pa niyang sabi.

Sabagay kapag siya na ang naghu-host, parang effortless na, di ba?

“Hindi.

“Exciting din ‘yong pakiramdaman. Alam mo ‘yong nakikiramdam ka?

“Siyempre bagong flatform. Kaya nakaka-excite,” sabi pa ni Kuya Boy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply