Giit ng Korte Suprema: ‘Hindi malakas si Tan sa SC’

NILINAW ngayon ng Korte Suprema na hindi nito pinanigan si business tycoon Lucio Tan nang bawiin ang nauna nang desisyon ukol sa labor case ng 1,400 flight attendants nito.

Ayon kay Supreme Court Spokesman at Court Administrator Midas Marquez, ang pagbawi sa desisyon ay upang itama ang pagkakamali nito sa ipinatupad na guidelines.

Matatandaang una nang sinabi ng SC na hindi na nito bibigyang-pansin ang motion for reconsideration sa naging desisyon ng SC Second Division na nagsasabing iligal ang pagsibak sa mga cabin crew ng Philippine Airlines.

Subalit isang liham ang ipinadala ni PAL legal counsel Esterlito Mendoza na pinanigan naman ng SC.

Kinuwestyon ni Mendoza ang komposisyon ng Second Division na nagbaba ng desisyon sa kaso.

Aniya, ang Third Division dapat ang siyang humawak ng kaso.

Dahil sa nasabing argumento ni Mendoza ay binawi ng SC en banc ang desisyon at iniutos na ito na ang siyang hahawak ng kaso.

“The Court en banc did not overturn the 2nd Division’s ruling but merely recalled it so that there would be no questions about SC decisions,” paliwanag ni Marquez.

Dagdag niya: “I  understands the sentiments of the Flight Attendants and Stewards Association of the Philippines (FASAP) who questioned why the Court en banc would recall a supposedly final ruling. However, the  FASAP should not look at the en banc’s ruling to mean that it is favoring PAL owner Lucio Tan.”

Sinabi ni Marquez na hindi nila masisisi kung sumama man ang loob ng FASAP dahil naging pabor ang desisyon na kalaunan ay binawi.

Idinagdag pa nito na hindi dapat sabihin na malakas si Tan sa SC kung kaya’t nabawi ang desisyon, ang pagbawi umano ay dahil hindi tama na basta na lamang isnabin ng SC ang naging argumento ni Mendoza na tunay umanong mayroon namang basehan.

“Lalong magkakaroon ng duda sa desisyon, dahil bakit nga naman dinesisyonan ng 2nd Division, e hindi naman sa kanila ang kaso na yan. Parang minadali, kahit hindi mga regular members ang nag desisyon. Magkakaroon ng ka-duda duda,” katwiran ni Marquez kung bakit nagdesisyon umano ang SC en banc na rebyuhin muli ang kaso ay dahil sa technicality.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply