Ginang utas nang mabaril ng lasing na asawa

BINAWIAN nang buhay ang isang ginang matapos na aksidenteng mabaril ng kanyang asawa sa loob ng kanilang bahay sa Surigao del Sur kagabi (Oktubre 17).

Dead on the spot ang biktimang si Emily Alico Sotto, 35-anyos habang inaresto ng mga awtoridad ang asawa nitong si Amador, 38-anyos.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-asawa sa Barangay San Ramon sa bayan ng Hinatuan, ng nabanggit na lalawigan.

Nabatid na kapapasok pa lamang ng biktima sa kanilang bahay nang aksidente itong mabaril ng kanyang lasing na asawa gamit ang air gun o kilala sa tawag na “de bomba.”

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa ilalim ng kanang dibdib.

Narekober rin ang ginamit na baril.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply