Ginang utas sa boga ng riding-in-tandem

NAMATAY ang isang ginang makaraang barilin ng isa sa suspek na riding-in-tandem kaninang madaling-araw sa Pasay City.

Kinilala ni SPO2 Joel Landicho ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ang biktima na si Wilma Maso, 46, residente ng Sitio Wella, Kalayaan Village, Brgy. 201, Pasay City.

Ang biktima ay namatay doon din bunga ng isang tama ng bala ng kalibre .45 sa likurang bahagi ng ulo.

Batay sa imbestigasyon ang insidente ay naganap dakong alas-3:40 ng madaling-araw sa tabi ng Most Blessed Sacrament Church, Gate 1 Kalayaan Avenue ng nabanggit na lungsod.

Bago naganap ang madugong insidente, inihatid ng biktima ang kanyang 7-anyos na anak na babaeng grade 3 pupil sa Kalayaan Elementary School.

Habang pabalik na sa kanilang bahay at nagalalakad sa gilid ng simbahan, isang lalaki ang bumaba sa motorsiklo at sinundan ang naglalakd na biktima.

Nang malapitan, nagkaroon pa umano ng pagtatalo ang lalaki at ang biktima bago pinaputukan ng baril sa batok.

Matapos ang mapamamaril, bumalik sa nagkaparadang naghihintay na motorsiklong walang plaka ang suspek at pinasibad sa ‘di mabatid na lugar.

Isang basyo ng kalibre .45 ang nakuha sa lugar na pinangyarihan at Inaalam pa ng imbestigador ang tunay na motibo sa pamamaslang sa biktima. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply