Ginebra sasabak vs Shopinas.com

MULA sa kagulat-gulat na come-from-behind win ng Barangay Ginebra laban sa Powerade Tigers sa road game sa Victorias, Negros Occidental noong Oktubre 22 na nagtapos sa iskor na 73-72, tatangkain ng tropa ni coach Siot Tanquingcen na ilaglag ang sobrang malas na Shopinas.com Clickers sa panglimang sunod na pagkatalo sa paghaharap nila ngayong gabi kasunod ng salpukan ng Powerade Tigers at B-Meg Derby Ace Llamados sa Smart Araneta Coliseum.

Magkapantay sa 2-2 win-loss slate ang Gin Kings at Tigers kapwa nila sisikapin na makuha ang third win sa 10-team league na pinangungunahan ng Rain Or Shine (4-1), Petron Blaze, Talk ‘N Text at Barako Bull na pawang tangan ang 3-1 slate at ang Meralco Bolts na nakabuntot sa 3-2 record.

Hindi naman bumababa ang morale ng mga manlalaro at ni coach Franz Pumaren sa kinalalagyan nila ngayon dahil napupuna niya na gumaganda ang teamwork ng kanyang mga bataan. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply