Giyera laban sa mga MILF di solusyon sa kapayapaan

ISANG baliko na katwiran ang giyerahin ang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front gaya ng isinisigaw ng mga kritiko ni Pang. Noynoy matapos na malagasan ang puwersa ng gobyerno ng maraming buhay sa bakbakan sa Basilan at iba pang bahagi ng Mindanao.

Ang nangyari, kanya-kanyang papelan ang mga kritiko ni PNoy para nga naman ma-front page sa mga diaryo ang kanilang mga pangalan (libre nga naman sa media publicity).

Ang siste pa, kung ano-ano ang mga sinasabi ng mga ito na puro wento pero wala namang wenta.

“All out war” ang sigaw ng marami. Ito ang reaksyon na makikita.
Siyempre padalos-dalos kaya minsan ay sumasablay.

Pero kapayapaan ang sagot ng Pangulo at pananagutin sa batas at parurusahan ang may kagagawan. Kalkulado at pinag-iisipan ng husto.

Hindi ito “Peace at all cost” at may kalambutan.

Hindi rin ito ”Kid gloves” na siyang patutsada ng ilan. Kapayapaan ito na may dignidad at karangalan.

Sayang ang 20 batam-batang mga sundalo na na-sawi ang mga buhay sa pakikipagdigmaan.

Ang masakit rito, ang ginawa nilang pagbubuwis ng buhay ay nawalang saysay. Sa totoo lang, dapat na iluklok sila sa pedestal ng mga bayaning nag-alay ng sariling dugo at laman para sa bayan.

Ang tanong: sapat na ba itong dahilan upang abandonahin ang mga nauna’t nasimulang mga hakbang tungo sa kapayapaan?

BAGMAN NI PD MAY PASUGAL

Bilib naman ako rito kay Landong Bulag. Sa kabila ng kampanya laban sa iligal na sugal ay bukod tanging ang sugalan nito ang namamayagpag sa buong Calabarzon.

Ang kanyang puwesto pijong saklaan ay nasa Brgy. Amuyung, Balubad, Upli at Palengke ng Luksuin, Cavite.

Dahil ba sa tong-collector siya ni PD Supt.John Bulalacao?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply