Giyera vs mayayaman patindi nang patindi

MERON ba kayong napapansin na nagaganap sa ibang bansa?

Tiyak na meron.

Lalo na kung meron kayong mga kamag-anak na naroroon at sa kanila kayo umaasa sa buhay.

Kina Uncle Sam, sa Italia, sa Greece, sa Germany, sa Australia at kahit sa Hong Kong, Japan at Korea.

Palaki nang palaki ang bilang ng mga nagrarali laban sa mga higanteng korporasyon sa mundo.

Pero nagsimula ang rally sa Wall Street sa New York na doon nagbibilihan at nagbebentahan ng mga sapi sa mga korporasyon, lalo

na ang mga bangko.

Kung napapansin ninyong paliit nang paliit o nawawala na ang mga remitans ng inyong overseas Filipino worker na inyong inaasahan, nangangahulugan na biktima na sila ng krisis sa pinansya sa nasabing mga bansa.

oOo

Simple lang, Suki, ang nirarali sa mga mayayamang bansa.

Palaki nang palaki ang bilang ng mga naghihirap at ang mga nagpapahirap sa kanila ay ang isang porsiyento lang ang bilang na mayayaman na may-ari ng mga bangko at iba pang malalaking korporasyon na kumokontrol sa ekonomiya ng mundo.

Maalaala ninyo ang kasabihan natin dito sa repablik ni Juan na “ang mayayaman, lalong yumayaman habang ang mga mahihirap ay lalong humihirap?”

Saktong ganito ang nirarali sa ibang mga bansa.

Pero may mas matindi rito, Suki.

Parami nang parami ang mga mahihirap at ang dahilan ay ang pagiging ganid at suwapang ng mga mayayaman.

Dito sa atin, matagal na ang kalagayang ganito kaya nga sumulpot ang mga NPA, Abu Sayyaf, MILF, MNLF at iba pa.

Bala na ang gamit sa atin samantalang rali ang ipinanlalaban sa mga mayayaman sa ibang bansa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply