GMA, Abalos dapat managot sa batas – Mananzan

TIWALA ang isang religious group na magtatagumpay ang kampanya ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino laban sa corruption kung mapapanagot nito sa batas ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

Ito ay kasunod na rin ng rekomendasyon ng Department of Justice (DoJ)-Commission on Election (Comelec) fact finding team na preliminary investigation laban kina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating Comelec Chairman Abalos.

Ayon kay Association of Major Religious Superior of the Philippines (AMRSP) Chairperson Sr. Mary John Mananzan, noon pa man ay marami nang ebidensya at mga whistleblower na nagpapatunay na nagkaroon ng dayaan noong 2004 at 2007 elections.

Sa kanyang pananaw, sinabi nito na outright cheating ang nangyari at hindi lamang election sabotage.

Sinabi pa ni Mananzan na lalong dadami ang mga whistleblower at tuluyan nang masusugpo ang kurapsyon kapag naparusahan o napanagot sa batas si GMA at Abalos.

“I welcome that. Talagang namang maraming mga overwhelming witnesses di ba? Sa akin outright cheating ‘yun. It’s about time na mayroon naman sana managot sa kaso. Kasi kung wala, mawawala ang mga whistleblower natin. Nilalagay nila ang buhay nila sa peligro. Then if they see na may bunga naman ito then they will come out at dadami pa ang maglalakas loob na magsiwalat sa mga katiwalian sa pamahalaan,” pahayag ni Mananzan sa church-run Radio Veritas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply