GMA ‘di na babalik, ‘pag nagpagamot sa abroad

DUDA ang isang mambabatas na malabo nang bumalik sa Pilipinas si dating Pangulo, ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa oras na pumayag ang Department of Justice na makalabas ng bansa at magpagamot.

Ayon kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, imposibleng bumalik pa sa bansa si dating Pangulong Arroyo para lamang harapin ang sangkatutak na kaso laban sa kanya at napipintong pagkakulong nito.

“I don’t believe they want to face the law. The reason they’re still here is they don’t believe na mako-convict sila,”ani Cayetano.

“Pero kapag dumami ng dumami ang witnesses at lumaki ang possibility na makulong sila, hindi ko nakikita na ang dating First Gentleman, at ang former President, at ang mga anak niya at uncle niya ay magpapakulong,”dagdag pa ng senador.

Matatandaan na humirit ang kampo ng dating Pangulo na makabiyahe sa ibang bansa upang maipagamot umano nito ang kanyang ‘rare disease’.

Subalit ayon kay Cayetano, dapat ay masuri muna ng mga doktor ng gobyerno ang lagay ng kalusugan ni Gng. Arroyo dahil kung kaya rin lamang ng mga doktor sa ating bansa na gamutin ang kakaibang sakit ng dating Pangulo ay hindi na dapat ito payagang makapag-abroad.

Idinagdag pa ni Cayetano na kahit maysakit ang dating Pangulo, hindi naman titigil ang pag-usap ng mga kaso laban sa kanya kung saan oras na ma-convict ito ay sa kulungan din ang bagsak nito kahit na sinasabi ng kampo ng dating Pangulo na may ‘rare disease’ ito.

Sinabi pa ng senador na marami ngayon ay mga kulungan ay makikitaan mo ng presong may kapansanan at may sakit dahil hindi exempted ang mga ito sa implementasyon ng batas sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply