GMA di pinayagang magpagamot sa ibang bansa

IBINASURA ng Department of Justice (DoJ) ang aplikasyon ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para makabyahe patungo sa ibang bansa.

Ito ay nang hindi makumpleto ni GMA ang kinakailangang dokumento para sa Allowed Departure Order (ADO).

Sinasabing isa ang ADO sa kinakailangan ni Arroyo para makalabas ng bansa upang makapagpagamot dahil sa umiiral na Watch List Order (WLO) dahil sa kaniyang mga kasong kinakaharap.

Tumanggi naman ang mga opisyal ng DoJ na magbigay pa ng ibang detalye sa pagkakabasura ng request ni Arroyo.

Una nang sinabi ni Justice Sec. Leila de Lima na handa silang payagan ang Pampanga solon na bumyahe, kung makapagbibigay ito ng sapat na requirements.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply