GMA, FG magpa-Pasko sa kulungan –Brillantes

MAHIGPIT na ipinahiwatig ni Commission on Elections (Comelec) chairman Sixto Brillantes na baka magdiwang ng Kapaskuhan ang mag-asawang Arroyo sa kulungan sakaling matupad ang itinakdang deadline sa pagsasampa ng kasong election sabotage sa naganap na dayaan sa halalan.

Sa panayam matapos makumpirma ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA), sinabi ni Brillantes na kasalukuyan nang tinatapos ng Department of Justice-Commission on Elections Joint Investigating body ang preliminary investigation sa dayaan.

Iniimbestigahan ng joint DOJ-Comelec committee ang naganap na dayaan noong 2004 presidential elections at 2007 senatorial elections na isinasangkot si dating Pangulo, ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at dating first gentleman Mike Arroyo.

“Nag-usap na kami ni Secretary (Leila) De Lima that before Christmas, we can file the case (against the former president and her husband, Mike Arroyo) we are just establishing the probable cause,” aniya.

Ayon kay Brillantes, malapit nang matapos ang fact finding stage ng komite matapos lumantad ang ilang saksi kabilang si dating   Maguindanao provincial administrator Nori Unas, na sinasabi nitong “masyadong malakas ang testimonya” nito.

“This is a fact finding investigation,  and we are contemplating on finishing the preliminary investigation before Christmas, for final filing of case against the (Arroyos),” aniya.

“Kay Unas lang malakas na, he is a credible witness kasi galing mismo sa source ang kanyang information,” giit ni Brillantes.

Sinabi pa ni Brillantes na hindi na interesado ang lupon na matukoy kung sino ang tunay na nagwagi sa naturang halalan, kundi interesado sila ng aspektong kriminal sa naturang dayaan.

“We are not interested  who won in 2007. What important here is the criminal aspect. Sino ang dapat makulong” aniya.

Hinikayat din ni Brillantes ang ilang opisyal at taong nasa pulong nina dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr., at Unas na lumantad at tumestigo hinggil sa naganap na dayaan.

Tinutukoy ni Brillantes si dating  Local Water Utilities Administrator Prospero Pichay, na pinaniniwalaang nandoon sa harapan nang utusan ni Arroyo si Ampatuan na siyang nadinig naman ni Unas na dapat magkaroon ng 12-0 vote sa lalawigan ng Maguindanao pabor sa Team Unity ng nakaraang administrasyon.

“Kung ako ang tatanungin to collaborate Unas, is the people who are present during the instructions. Partikcularly Pichay. Dapat magbago na siya, nandoon siya noon eh,” ayon kay Brillantes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply