GMA kina De Lima, Brillantes: Tahimik!

PINATATAHIMIK ngayon ng kampo ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sina Justice Secretary Leila De Lima at Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes.

Ito ay matapos sabihin ni Brillantes na posibleng sa kulungan na mag-Pasko si dating Pangulong Arroyo at ang asawa nitong si Miguel Arroyo dahil sa umano’y pagkakasangkot ng mga ito sa 2007 elections.

Ayon kay Atty. Raul Lambino, opisyal na tagapagsalita ni Ginang Arroyo, na dapat “mag-shut up” muna sina Brillantes at De Lima at hayaang magtrabaho muna ang DOJ-Comelec Joint Task Force.

Iginiit ni Lambino na nagpapakita lamang na may kinikilingan sina De Lima at Brillantes dahil agad nilang hinuhusgahan ang mga Arroyo kahit hindi pa man sinisimulan ang imbestigasyon.

Iritado rin si Lambino sa magkasanglungat na pahayag at kilos nina De Lima at Brillantes dahil matagal na rin silang pinayuhan na mag-inhibit subalit sila pa rin ang namumuno sa Task Force.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply