GMA magpapagamot na sa ibang bansa

DAHIL sa kaliwa’t kanan na ang payo ng kanyang mga kaibigan na magpagamot na sa ibang bansa dahil sa sakit sa cervical spine, pumayag na rin si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Arroyo na magpagamot sa ibang bansa.

Plano na umanong magpagamot sa ibang bansa ni Arroyo at inaprubahan na ang travel authority na hiniling ni Arroyo.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. na tatlong travel pass ang kanyang pinirmahan para kay Arroyo. Isa sa mga ito ay papuntang Germany para magpapagamot si Arroyo at ang isa pa ay patungo sa New York kung saan dadalo ang dating Pangulo sa isang forum na pangungunahan ni dating US President Bill Clinton na dating kaklase nito.

Binigyang diin ni Belmonte na hinihikayat nila si Arroyo na magtungo sa ibang bansa para magpagamot dahil nais nilang kaagad itong gumaling. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply