GMA muling sasailalim sa regular check-up

MULING babalik sa St. Lukes Medical Center sa susunod na linggo si dating Pangulo at ngayo ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo para sumailalim sa regular check-up kaugnay sa kanyang naging operasyon sa cervical spine.

Ayon kay Marilen Lagniton, tagapagsalita ng St. Lukes , kinumpirma sa kanya ng mga doctor ni Gng. Arroyo na kinakailangan ang regular na check-up ng dating Pangulo matapos sumailalim sa tatlong beses na operasyon sa kanyang buto sa batok.

Hindi naman binanggit ng mga doctor ng kongregista kay Lagniton kung anong araw sa susunod na linggo babalik ang kongresista para sa regular na check up.

Aniya, sa kasalukuyan ay sumasailalim din si Gng. Arroyo sa pagsusuri sa sakit na hypoparathyroidism na una ng pinangangambahang “life threatening” kaya’t humahanap ng dalubhasang doctor sa ibang bansa ang kanyang asawa.

Nauna nang inihayag ng mga kasamahan ni Gng Arroyo sa Kamara na bukod sa problema sa cervical spine, natuklasan na may hypoparathyroidism din ang mambabatas kaya’t kinakailangan siyang sumailalim sa mga pagsusuri ng dalubhasang doctor.

Magugunitang unang sumailalim sa operasyon ang dating Pangulo noong Hulyo 29 sa kanyang cervical spine kaya’t kinakailangan siyang lagyan ng neck brace na hanggang ngayon ay nakakabit pa sa kanyang leeg.

Makalipas ang isang linggo ay nakaramdam na ng pananakit ng braso at pagkawala ng boses ang dating Pangulo at sa kanyang pagbalik para sa kanyang regular check ay natuklasan ng kanyang mga doktor na nagkaroon ng inpeksiyon at natanggal sa pagkakabit ang inilagay na titanium plate sa gulugod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply