GMA personal nang sumulat kay De Lima

PERSONAL nang nagpadala ng sulat si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo kay Justice Secretary Leila De Lima.

Ipinahayag ni Ginang Arroyo sa kanyang liham ang pag-apela kay De Lima na payagan na siyang makapagpagamot sa labas ng bansa at nangako na babalik din sa Pilipinas.

Kinumpirma ni Maria Elena Bautista-Horn, spokesperson ni Arroyo ang pagsulat kay De Lima ng dating Pangulo at ngayon ay naghihintay sila ng tugon mula sa kalihim.

Umaasa ang kampo ni Arroyo na sa pamamagitan ng naturang liham ay makukumbinsi ang mga awtoridad na babalik ito ng Pilipinas para harapin ang patung-patong na kasong isinampa sakaling matapos na ang kanyang pagpapagamot sa ibang bansa.

Base sa ulat, ibinigay kay Pangulong Benigno Aquino ang nabanggit na sulat ni Arroyo para sa personal nitong pag-evaluate. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply