GMA pinayagan nang makalabas ng bansa…pero

SA kabila ng dalawang subpoena na inilabas para kay dating pangulo, ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ay inaprubahan na ng Kamara ang travel order na kanyang hiniling.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte, ang kanilang ibinigay na permiso ay tatagal hanggang sa Nobyembre 30, 2011. Kaakibat ng kasunduan na tanging pagpapagamot lamang ang maaaring gawin ni Arroyo at hindi ang iba pang agenda, lalo’t may mga usapin itong kinakaharap sa bansa.

Nitong nakaraang buwan ay binigyan na ng travel order ang kongresista ngunit hindi natuloy ang kanyang biyahe dahil sa kanya mismong pagtanggi.

Kabilang sa maaaring puntahan ng dating presidente ay ang United States, Spain, Italy o kaya ay Germany.

Gayunman, hindi naman hawak ng Kongreso ang kapangyarihan ng Department of Justice (DoJ), kung magpapalabas sila ng Allowed Departure Order (ADO) para kay Arroyo.

Hanggang sa kasalukuyan ay nasa ilalim pa rin ng Watchlist Order (WLO) ang lady solon dahil sa patung-patong na kaso sa DoJ at Office of the Ombudsman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply