Gobyerno nagoyo ng Globe sa Altimax deal

IPINABABAWI ni Sen. Antonio Trillanes IV sa National Telecommunications Commission (NTC)  ang nawalang kita ng pamahalaan sa illegal na pag-upa ng Globe Telecoms sa radio frequencies na nakatalaga sa Altimax Broadcasting Incorporated.

“Hindi nagbabayad ang Globe ng Spectrum Users Fees (SUFs) sa NTC hinggil sa paggamit sa 30 megahertz  na nakatalaga sa Altimax,” ayon kay Trillanes.

Sinabi pa ni Trillanes na kapag napatunayan ng NTC na paglabag sa umiiral na batas ang kasunduan, dapat ipatigil ng komisyon ang ilegal na paggamit ng naturang frequencies at bawiin ang hindi nakolektang bayarin.

Ganito ang paniniwala ni Trillanes matapos ibulgar noong nakaraang linggo ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada na nagkaroon ng ilegal na kasunduan ang Globe at Altimax na malinaw na panggogoyo sa pamahalaan.

Ayon kay Estrada, nilabag ng Altimax ang prangkisa na iginawad ng Kongreso sa kompanya na magpatakbo ng nationwide direct broadband satellite service (DBS) at multi-channel multipoint distribution system (MMDS) na kailangan sa nasabing prangkisa.

Binatikos din ni Estrada ang pagpapaupa ng Altimax sa sarili nitong frequencies sa Globe upang magamit sa wireless broadband internet services na isang lantarang paglabag sa prangkisa dahil kailangang gamitin ang radio spectrum sa pangangailangan na inaprubhan ng Kongreso.

Naniniwala si Trillanes na doble ang pabor na naibigay sa Altimax dahil hindi nagbayad ng SUF ang kompanya.

Tinukoy ng senador na noong 2005, sa ilalim ng Memorandum Circular No. 06-08-2005, naglaan ang NTC ng ilang frequency bands para sa Broadband Wireless Access (BWA), isang serbisyong ibinigay ng kompanya ng telekomunikasyon.

Nagbabayad naman ang mga kompanyang ito sa NTC nang mula P10 milyon hanggang P40 milyon para sa radio frequencies na ginagamit sa paghahatid ng naturang serbisyo.

“The frequencies assigned to Altimax, which were in the 2596-2644 Mhz bandwidth, were covered by the NTC memo circular and should have been re-allocated for BWA,” ayon kay Trillanes.

Sa halip na gawin ito, ayon kay Trillanes, nagpalabas ng kautusan ang NTC noong Hunyo 2009 na nagbibigay sa Altimax na lisensiya upang lumahok sa MMDS broadcast service na may 30 Mz spectrum allocation kahit nabigo ang kompanya na maglatag ng serbisyo sa loob ng isang dekada.

Ngunit, hindi ginamit ito ng Altimax bagkus, ipinaupa ang kanilang radio frequencies sa Globe sa halagang P70 milyon at P90 milyon noong 2009 at 2010 kada taon alinsunod sa Audited Financial Statement parasa 2009 ng Altimax na isinumite sa SEC.

“Lumilitaw na kumita ang Altimax at Globe sa kasunduan na siyang nagpalugi sa pamahalaan,” giit ni Trillanes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply