Goto V di matinag sa paihi ng langis ng Petron

BALIKAN uli natin itong bantog na ‘Paihi King’ ng San Rafael, Bulacan na si Goto V na hindi magalaw-galaw ng mga kinauukulan kahit lantaran nitong ninanakawan sa pamamagitan ng  paihi ang  mga oil tanker ng Petron na nagmumula sa mga lalawigan ng Bataan, Bulacan at Subic.

Ibang klase ang impluwensya at lakas nitong si Goto V pagdating sa mga otoridad.

Hindi hinuhuli ang kanyang ‘paihi’ kahit alam ng mga otoridad na rito nagmumula ang negosyo nito.

Araw-araw ay hindi  bababa sa 10 oil tanker ng Petron ang napapaihi ng grupo ni Goto V mula sa Bulacan, Bataan at Subic.

Milyones ang kinikita ni Goto V kaya kahit buong San Rafael, Bulacan ay kayang kaya niyang bilhin sa pamamagitan ng katas ng kanyang kita mula sa mga pinaiihi niyang  mga langis, gasolina at diesel sa Petron.

Nagtataka lang ako rito sa mga taga-San Rafael kung bakit  tila napakalakas sa kanila itong si Goto V.

LABAN SA LAHAT NA NAMAN ANG PASAY

Sa Pasay City ay largado na ang lahat ng uri ng mga iligal na pasugalan.

Maging ang mga bold show at prostitution sa mga night club, KTV bar  at sauna parlor ay talamak na rin.

Aktibo na naman ang loteng at bookies ng karera ni Carlo Taba at Boy Corcuera sa buong Pasay City.

Hindi naman nagpapaawat ang Lapu-Lapu Sauna Parlor sa operation ng sex trade sa nasabing sauna.

Simula raw nang nawala sa nasabing siyudad si Pasay City chief of police Supt. Napoleon Cuaton ay muli na namang naging sona-libre ang Pasay sa mga kahalayan at  iligal na sugalan.

Sa ilalim ng liderato ni COP Supt. Melchor Reyes ay muli namang nilargahan ang vices.

oOo

Anomang mga reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764,  0926671-9269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply