Graft, isinampa vs Mike Arroyo, 18 pa

INIREKOMENDA na ng Senate Blue Ribbon Committee sa Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban kay dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo kabilang sina dating Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno at ex-PNP chief Jesus Versoza hinggil sa chopper fiasco.

Bukod dito, kinasuhan din ng Blue Ribbon ang kasalukuyan at dating opisyal ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa pagmamaniobra sa bentahan ng lumang helicopter  sa PNP noong 2009 sa halagang P105 milyon, ngunit hindi isinama ng komite si Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo.

Sinabi ni Sen. Teofisto Guingona III, inirekomenda din nila sa Ombudsman na magkaroon ng mas malawak pang imbestigasyon laban kay Rep. Arroyo upang matukoy kung anong batas ang nilabag ng kongresista matapos makialam ito sa isinasagawang imbestigasyon.

Kinasuhan din ng panel sina dating  Napolcom commissioner Miguel Coronel, Assistant Secretary Oscar Valenzuela and Director Conrado Sumangga kabilang ang ilang miyembro ng PNP na sina  PDir. Luizo Cristobal Ticman, PDir. Ronald Dulay Roderos, PDir. Romeo Capacillo Hilomen, PDri. Leocadio Salva Cruz Santiago Jr., PDG Jefferson Soriano, PChief Supt. Herold Ubalde, PDir. George Piano, C/Supt. Luis Saligumba, S/Supt. Job Nolan Antonio, S/Supt. Edgar Paatan, Supt. Ermilando Villafuerte, Supt, Roman Loreto and a certain Crisostomo DL Garcia

Naniniwala naman si Sen. Panfilo Lacson na malakas ang kasong isasampa sa naturang kuntsabahan kahit magkaroon ng argumento sa teknikalidad kapag nililitis na ang kaso, at naniniwala itong makakasuhan ang lahat na nagbanggit na personalidad.

Hindi rin isinama sa kaso sina Archibald Po, may-ari ng Lion Air Inc., at Larry De Vera, presidente naman ng    Manila Aerospace Property Trading (MAPTRA) dahil pumaloob sila sa Witness Protection Program ng Department of Justice.

Maliban kina Guingona at Lacson, lumagda din sa committee report sina Senador Aquilino Pimentel III, Francis Pangilinan, Antonio Trillanes IV, Franklin Drilon, Ralph Recto, Francis Escudero, Pia Cayetan and Jinggoy Estrada.

Pag-aaralan pa ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang committee report saka lalagda, ayon kay Guingona.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply