Green card nawalan na nang arrive kay Lorna Tolentino

FOR OBVIOUS reason, hindi na interesadong gamitin pa ni Lorna Tolentino ang kanyang green card which she and Rudy Fernandez had acquired days after her husband passed away on June 7, 2008.

Naaprubahan kasi ang kanilang application sa petsang nabahiran naman ng dalamhati ang buhay ng aktres. Ano pa nga raw ang silbi ng pagbiyahe niya sa lupain ni Uncle Sam kung hindi naman niya kasama ang kabiyak?

Not only does June 7 mark the death anniversary of Daboy, ito rin ang petsa na noong ginugunita ni Ms. LT ang ikatlong taong pagkamatay ng mister sa tahimik na Heritage Park ay saka ipinadala sa kanya ng TV5 ang kontratang makapagtrabaho sa naturang istasyon.

Quite confused with her next career move (ilang buwan kasi mula noon ay matatapos na rin ang tinatampukan niyang ‘Minsan Lang Kita Iibigin’ sa ABS-CBN), humingi si Lorna ng senyales mula kay Daboy kung tatanggapin niya o hindi ang offer ng TV5. Nagkataong sa Heritage Park ipinadala ng Singko ang kontratang kulang na lang ng pagsang-ayon at paglagda ng aktres.

Nakatulong sa desisyon ni LT ang pagmumuni-muni sa paligid ng tahimik na himlayang ‘yon, a moment of reflection that made her find the answer to her question.

Yes, reflection. Hindi nga ba’t ang movie outfit na itinatag noon ng mag-asawang Rudy at Lorna ay Reflection Films, kung saan ang initial salvo nito ay “Ayaw Matulog ng Gabi?” These days, enough of sleepless nights for the premiere actress na nabigyan na ng palatandaan ng kanyang asawa.

XXXX

IN HIS entire career as an artist manager—steadfast and bullish at that—ay ngayon lang nagkaroon ng pangit na karanasan si Boy Abunda sa kanyang mga alaga. But to be singled out is Erik Santos, the rest are still loyal Backroom, Inc. talents.

Bagama’t nagkapatawaran na, hindi maitatanggi ni Erik na hindi lang isang institusyon ang kanyang binangga, maging ang magaganda pa sanang mga oportunidad na darating sa kanya as an A-1 singer (in fairness) might no longer see fulfilment.

Mahusay kung mahusay si Erik. Para sa amin, he’s got one of the most beautiful voices that the local music industry has ever produced. And even he had severed his business ties with Backroom, Inc., such admiration remains.

But in this business, it’s not all talent. Erik’s management agency, being Backroom, Inc., is already a pre-sold deal. Ke si Kuya Boy pa ang katransaksiyon ng kliyente or any of his staff, expect a sealed project most favourable to the artist.

Ganito kung magpahalaga ang tanggapang itinatag ni Kuya Boy, it calls a spade a spade, or the Queen of Spades the Queen of Spades if I may sound gender-correct.

Malaking factor din ang pagtanaw ng utang na loob sa pinagmulan, or at least the person’s appreciation for the good, happy times spent. Ito ang wala kay Erik, na nauna pang mang-intriga sa Backroom, Inc. that—no wonder—broke his manager’s heart (so, Queen of Hearts this time?).

Noong una, alumpihit pa nga si Kuya Boy tungkol sa isyu ng “paglayas” ni Erik sa kanyang kuwadra, kesyo mag-uusap pa raw sila. Pero tulad ng karaniwang tao na may kinikimkim na sintimyento sa kanyang puso, Kuya Boy proved he’s human, after all.

Dahil sa confession na ‘yon, the next thing was expected. Dinalaw ni Erik ang dating manager, humingi ng sorry, his apologies taken well.

Which direction Erik is destined to go from Backroom, Inc., maaaring hindi rin niya alam.

Pero dahil sa kanyang inasal, the Star In A Million champion has just taken the backdoor to a constellation of uncertainty.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply