Green Innovations ng Gawad Kalinga at Hyundai

BILANG isa sa mga corporate partners ng charity foundation na Gawad Kalinga (GK), nakiisa ang HARI (Hyundai Asia Resources Inc.) sa pagdiwang ng GK ng kanilang ikawalong anibersaryo sa pamamagitan ng  isang convention noong Oktubre 2 sa Enchanted Farm sa Bulacan.

Alinsunod sa isa sa mga tema ng convention na Creating Wealth in the Countryside Makes Good Business Sense, nagpahayag si HARI President at CEO Ma. Fe Perez-Agudo na “naniniwala (ang Hyundai) na hindi lang sa siyudad ang batayan ng tunay na kaunlaran ng isang bansa, kundi pati sa mga kabuuang ambag ng kanayunan sa ekonomiya at sa uri ng kanilang pamumuhay.”

Tulad ng nauna nang Gawad Kalinga Center for Social Innovations (GK-CSI), inanunsyo rin ng GK na ang Enchanted Farm ang siya ring magiging “tahanan,” ika nga, ng kanilang Gawad Kalinga Center for Green Innovations. At gaya ng inaasahan, ang farm na ito sa Barangay Encanto sa Angat, Bulacan ang siya ring magsisilbing tahanan ng Hyundai Center for Green Innovations.

Isa sa mga magiging highlight ng proyektong ito ay ang 100-seat venue kung saan maaaring magdaos ng mga seminar o Green camps ang GK upang mas lalong mapalawig ang kaalaman ng mga estudyante sa pangangalaga ng kalikasan.

Binigyang-diin rin ng HARI President ang pangkabuuang tema ng convention na “Only the best in the Filipino, by the Filipino, for the Filipino and the World,” sa pamamagitan ng kanyang pagpapahayag na ang Hyundai ay “naniniwala sa galing…produkto…at serbisyong Pinoy… (na may) mataas na kalidad… (at) maaasahan sa larangan ng innovation at creativity— mga katangiang magpapataas ng antas ng ating halaga sa merkado.”

Ipinaliwanag rin ni Gng. Agudo kung paano nakakatulong ang mga maliliit na negosyo o suppliers sa mga malalaking kompanya gaya nalang ng HARI, at sinigurado nito na sa mga darating na aktibidad ng kompanya,  makakaasa ang GK na puspusan nilang ipro-promote ang mga produktong “gawang GK-CSI.”

Abot langit naman ang pasasalamat ng Founder at Chairman ng Gawad Kalinga na si G. Antonio Meloto sa kanilang mga corporate partners at sa kanilang mga volunteers na walang sawang nag-aabot ng kanilang tulong at nagbibigay ng kanilang oras hindi lamang para sa ikabubuti ng mga GK communities ngunit higit lalo na sa ikauunlad ng bawat mamayang Pilipino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply