Grupo ng kababaihan nagprotesta vs contractualization

NAGKASA ngayong hapon ng kilos-protesta ang ilang grupo ng kababaihan upang kondehain ang contractualization at pang-aabuso sa trabaho sa mga babae.

Kasalukuyan nang nagtitipon-tipon ang mga kababaihan na pangunganahan ng mga miyembro ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa kanto ng Banawe at Quezon Avenue.

Nakatakdang magprograma ang grupo na ang layunin ay maiparating sa pamahalaan ang hindi patas na karapatan ng mga kababaihan sa usapin ng paggawa.

Ayon sa KMU, maraming babae ang tumatanggap ng kakarampot na sahod at napagkakaitan ng ilang benepisyo katulad ng maternity benefit.

Hinaing ng mga kababaihan, panahon na umanong solusyunan ng gobyerno ang mga kaso ng diskriminasyon at sexual harrasment laban sa kababaihan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply