GSM na mga cellphone bargain sa Commonwealth

“KUNG sa dami at  kamurahan ng cellphone rin lang ang usapan ay walang sinabi ang Divisoria, Baclaran at Quiapo sa dami ng  mga murang cellphone sa ilang palengke na nasa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Sinadya ng Lily’s Files ang  mga palengke na nasa kahabaan ng Commonwealth Avenue at doon ay tumambad sa inyong lingkod ang napakaraming cellphone na ayon mismo sa mga nagtitinda ay mga “GSM” o galling sa mga magnanakaw.

Lahat na yata ng unit ng  cellphone ay naroon at ang mumura lang, maging ang mga original ay grabe ang mura, talagang bagsak-presyo.

Nakatawag pansin sa inyong lingkod ang isang i-phone na may tatak na apple kung kaya dinampot ko ito at tinanong ko kung magkano. Nabigla ako ng sabihin ng nagtitinda na P3,000, may tawad pa.

Pinagkumpara ko ang  nasabing cellphone sa i-phone kong nasa bag na ganundin ang tatak. Laking gulat ko nang wala man lang akong makitang pinag-iba rito.

Kinausap ko ang nagtitinda at sinabi nito na kaya raw mura ang mga paninda nilang cellphone ay dahil galing ang mga ito sa GSM.

Sa pag-iikot ko sa may Litex at Commonwealth market ay nalaman natin na isang nagngangalang “Omar Muslim” pala ang nangangasiwa rito.

Sinasabing itong si Omar Muslim daw ang bumibili ng mga  snatched at nakaw na cellphone  rito sa Metro Manila dahil sunog na raw ang Divisoria, Baclaran at Quiapo.

Ayon sa ating mga nakausap na tindera, libo ang dumarating na GSM na cellphone araw-araw at halos lahat ay na-uubos na  maibenta dahil napakamura lang.

Nakapagtataka namang pinababayaan ito ng mga ope-ratiba ng Quezon City Police District partikular na ang Batasan Police Station 6 na direktang nakasasakop sa mga nasabing palengke.

Kung kayo ay nawalan ng cellphone o kaya ay nadukutan ng cellphone, pumunta lang kayo sa  mga nasabing palengke at kapag nasuwertehan niyo ay kayo mismo ang makabibili ng inyong sariling cellphone.

Hindi raw ito magawang hulihin ng mga pulis dahil naka timbre raw ito sa PS-6 at sa katunayan, ang mga GSM na cellphone ay isa sa mga ginagawa raw na palabigasan ng nasabing presinto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply