Guard con barker sa Araneta center (2)

ANANG nagrereklamo, minsan niyang tinanong ang guwardiya na hindi niya nakuha ang pangalan kung bakit nagtatawag ang mga ito ng pasahero para sa FX taxi na pumaparada sa gilid ng Aurora Gate ng Gateway sa Araneta Center, Cubao, Quezon City  ngunit sa halip na sagutin siya ng maayos ay sininghalan siya at itinuro ang guwardiya na kasama niya na nakatayo sa pintuan ng mall.

Tama ang hinala ng ating concerned citizen na may perang sangkot sa usapin kung kaya’t matiyaga ang mga guwardiya sa pagtawag ng mga pasahero.

Hindi na nagtaka si Bimbo nang makita niyang inabutan ng pera ng FX taxi driver ang guwardiyang nagsisilbing barker matapos mapuno ng pasahero ang sasakyan. Hay naku, ayon naman sa ating source, hindi nakita ni Bimbo nang iabot ng guwardiya sa kolektor ng pulis ang perang iniabot ng driver.

Totoo ba ito?

Dapat malaman ito ni Quezon City Police District director Chief Supt. George Regis upang mabatid niya kung saan naka assign ang pulis na may koleksyon sa mga terminal at mall sa kanyang nasasakupan. Siyempre, para na rin masupil ang nakasisirang “image” sa pambansang pulisya na pilit nililinis ng bagong pamunuan ni PNP chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome.

Siyempre, dalawa lang naman ang puwedeng panggalingan ng pulis na kumukolekta ng parating sa Cubao. Sa Traffic Enforcement Unit kung saan ang hepe ay Si Supt. Arnold Santiago o Cubao Police Station na ang hepe ay si Supt. Ramon Pranada. Posibleng hindi alam ng sinoman sa dalawang hepe ang iligal na gawain ng kanilang tauhan kaya hinihintay natin ang kanilang aksyon ukol dito.

Sana’y makilala na ang mga pulis na nagsisilbing kolektor upang matigil na ang mga ganitong klase ng gawain na sumisira sa magandang imahe ng pulisya.

Nais ninyong ibahagi ang karanasan sa opisyal at tauhan ng pulisya, pamahalaan o pribadong indibidwal? Maaari kayong mag-text sa 09215175814 o mag-email sa Santi_lean-11@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply