Gulay sa NCR aangkatin mula Southern Luzon, Mindanao

MATAPOS na manalasa ng bagyong “Pedring” at “Quiel” sa Hilagang Luzon kung saan nagmumula ang suplay ng gulay ng malaking bahagi ng Metro Manila ay pinaplano ngayon ng pamahalaan na umangkat ng gulay sa Southern Luzon at Mindanao para sa National Capital Region (NCR), ayon kay Trade Undersecretary Zenaida Maglaya.

Sinabi rin ni Maglaya na dahil dito ay asahan na makararanas ang mga konsyumer ng bahagyang pagtaas ng halaga ng gulay dahil maraming pananim ang nawasak sa pananalasa ng dalawang magkasunod na bagyo sa Northern Luzon.

Ani Maglaya kukuha ang Department of Agriculture ng mga gulay sa ibang lugar sa Southern Luzon at Mindanao .

Base sa talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay umakyat na sa P7.554 bilyon ang halaga ng napinsala sa agrikultura na idinulot ng dalawang bagyo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply