‘Gulayan sa Paaralan’

PORMAL na inilunsad ng Department of Agriculture (DA) kasama si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang “Gulayan sa Paaralan” project sa Emilio Aguinaldo Elementary School sa Murphy Quezon City kanina.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, na ipinapatupad ng kanilang ahensiya ang Gulayan sa Paaralan at Gulayan sa Barangay Gardening Projects sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan na una nang naipatupad sa Quezon City sa tulong ni Vice Mayor Belmonte.

Sinabi ni Alcala, sa buong bansa nila ipaututpad ang naturang proyekto kaagapay ang Department of Education, Congressional districts at private sector para pagkalooban ang mga pamilya at kanilang anak ng masustansiyang gulay at dagdag na pagkakakitaan.

Sa kanyang panig, sinabi ni Belmonte na ang proyekto ay makatutulong din sa mga mahihirap na pamilya para makaiwas sa mataas na presyo ng mga gulay dulot ng epekto ng mga nagdadaang kalamidad sa bansa. Alex Ching

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply