Gunless society solusyon sa karahasan

ANG ‘gunless society’ ang solusyon sa laganap na karahasan sa Pilipinas.

Ito ang pahayag ni Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo, kaugnay nang nagaganap na sunud-sunod na krimen sa bansa.

Iminungkahi pa ng Catholic bishop ang pagsusulong ng batas sa total gun ban sa bansa, dahil ang kawalan aniya ng naturang batas ay nagsisilbing ‘magnet for violence.’

Gayunman, aminado ang Obispo na mahihirapan dito ang administrasyong Aquino dahil mismong ang mga opisyal ng pamahalaan ay may “armory mentality,” tulad

aniya mismo ni PNoy at ni Presidential Adviser on Political Affairs Ronald

Llamas, na parehong mahilig sa baril.

“Kung sa taas ng gobyerno, puro armory mentality sila so ano pa ang ini-expect natin sa ordinary people.  They have to set an example,” ayon kay Bagaforo, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Paliwanag nito, mahirap labanan ang paglaganap ng karahasan kung malaya ang sinumang sibilyan sa pagdadala ng armas.

“Laganap ang proliferation ng unregistered firearms, unlicensed gun at hindi makontrol kung sino ang may hawak ng mga guns,kita mo naman ang nangyayari sa

bansa kahit sa mga mall, yung mga naglalaro ng baril ang mga bata. Hindi maganda ang epekto,” ani Bagaforo.

Samantala, naniniwala naman si Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na ang batas sa pagdadala ng baril sa bansa ay para lamang sa mga mayayaman at hindi kasama ang mga mahihirap.

Aniya, kahit ipatupad ang total gun ban sa bansa ay wala pa ring silbi kung wala namang kakayahan ang mga awtoridad na hulihin ang mga makapangyarihan at malalaking tao sa lipunan na nagdadala ng baril.

Giit nito, kaya lumalala ang krimen sa bansa dahil sa hindi patas na pagpapatupad ng batas sa pagdadala ng baril.

Hinamon pa ng arsobispo ang Philippine National Police (PNP) na ipatupad ng pantay ang batas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply