Gutierrez pumalit kay Rongavilla bilang MPD director

PORMAL nang inilipat ngayong umaga ang pamumuno sa Manila Police District kay Senior Superintendent Alex Gutierrez matapos na magretiro si MPD Director Chief Supt. Roberto Rongavilla.

Dakong alas-9:00 ngayong umaga ng simulan ang programa sa MPD Headquarters na dinaluhan naman ng ilang mga mataas na opisyal.

Nabatid na si Gutierrez ay magsisilbing officer in charge (OIC) director ng MPD hanggang hindi pa pormal na naitatalaga ang magiging District Director sa MPD.

“Maagang pamasko para sa akin ito,” ayon kay Gutierrez matapos hingan ng reaksiyon sa pagpalit niya kay Rongavilla bilang OIC DD ng MPD.

Pinasalamatan naman ni Rongavilla si Manila Mayor Alfredo Lim at ang lahat ng “men in uniform” maging ang miyembro ng media na nagbigay ng suporta sa panahon ng kanyang panunungkulan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply