Half-brother ni Sen. Revilla pinatay

NAGSASAGAWA na ng manhunt operation ang mga tauhan ng Paranaque City Police sa suspek na bumaril at nakapatay sa half-brother ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa loob mismo ng kanyan bahay sa BF Homes.

Bukod sa mga tama ng baril, ang biktima na kinilalang si Ram Revilla ay may mga tama pa ng saksak sa katawan.

Ayon kay Sen. Revilla, pinasok ng isang lalaki na nakasuot ng bonnet ang bahay ng kaniyang kapatid na siyang bumaril dito at matapos ay sinaksak din ang kasintahan nitong si Janelle Manahan.

Sa imbestigasyon, binaril ang biktima gamit ang isang 9mm o .45 kalibreng baril at idineklarang dead on arrival sa Parañaque Medical Center.

Isinantabi ng mga imbestigador ang motibong pagnanakaw dahil wala namang nawalang gamit sa loob ng bahay ng biktima.

Ayon naman kay Sen. Revilla, wala siyang alam na may kagalit ang kanyang kapatid ngunit batid niyang nag-aambisyon sana itong tumakbong konsehal ng Imus, Cavite.

Sa ngayon, hindi pa rin ipinaaalam kay dating Senador Ramon Revilla, Sr. ang pagkamatay ng sinasabing pinaka-paborito nitong anak.

Si Ram Revilla, 22 anyos, ay anak ni dating Senador Revilla at Genelyn Magsaysay.

Sa kasalukuyan nangangalap pa ng ebidensya ang mga awtoridad upang matunton ang pagkakailanlan sa salarin. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply