Happy Birthday Ford Fiesta!

ISANG malaking birthday blowout ang inihandog ng Ford Group Philippines sa mga nagmamay-ari ng Ford Fiesta noong nakaraang Sabado, ika-15 ng Oktubre, bilang paggunita sa ika-isang taong anibersaryo ng Ford Fiesta sa bansa.

Bago pa nagsimula ang pagdiriwang, ilan sa mga Ford Fiesta clubs, sa pangunguna ng istasyon sa radyo na 99.5 RT, ang nagsagawa ng mga convoy pamula sa iba’t ibang lugar sa Maynila patungo sa MC Home Depot sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Ang parking lot ng MC Home Depot ay pinuno ng Ford ng mga tent ng ilan ring sponsors ng kanilang pagdiriwang.
Nakatanggap ng samu’t saring freebies at souvenir ang mga dumalo, at nabigyan rin sila ng pagkakataon na makilala ang kapwa nila Fiesta owners.

Sa dami ng mga raffle prizes na ipinamigay nang araw na iyon, marahil isa sa mga pinaka-inabangan ng mga dumalo ay ang Ford “Pimp My Ride” raffle kung saan ang mabubunot na plate number ng sasakyan ay bibigyan ng pagkakataong ayusin at i-customize ang kanyang Ford Fiesta gamit ang mga orihinal na Ford accessories, at maging ang gulong ay papalitan ng bagong set ng Concept One wheels.

Isa sa mga naging highlight ng birthday celebration na ito ng Ford Fiesta, ay ang Ford Fiesta “doodle” car. Sa halip na malalaking posters o greeting cards, ang mga panauhin ay inanyayahang sumulat at mag-iwan ng mensahe sa isang aktual na sasakyang Ford Fiesta.

Hindi kumpleto ang party kung walang musika. Ilan sa mga sikat na banda ngayon, tulad ng Paraluman at Mayonnaise, ay tumugtog para magbigay-aliw sa audience at magbigay-sigla sa pagdiriwang. Nandoon rin ang dating vocalist ng 6 Cycle Mind na si Ney Dimaculangan kasama ang kanyang bagong banda.

Gaya ng ibang mga birthday celebrant, isang panauhing pandangal ang kinontrata ng Ford upang “batiin” si FoFi (ang palayaw ng nakararami sa Ford Fiesta). Nasorpresa ang lahat paglabas ng aktres at Ford Ambassadress na si Toni Gonzaga sa stage. Nang bigyan ng bulalak ang aktres, nagpatawa pa ito at sinabing akala niya’y isang brand new na Ford Fiesta ang ibibigay sa kanya.

Ayon sa Assistant Vice President for Communications ng Ford Group Philippines na si Gng. Anika Salceda-Wycoco, ang matagumpay na pagdiriwang ng ika-isang taong anibersaryo ng Ford Fiesta sa Pilipinas ay mahalaga sa kompanya sapagkat patunay ito sa dedikasyon at serbisyong ibinibigay ng Ford sa kanilang mga kustomer sa bansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply