Happy Undas sa lahat!

HINDI maiiwasang maging laman ng mukha ng ating mga pahayagan ang malagim na disgrasya ng sasakyan sa Mountain Province.

LIMA HUMABOL SA UNDAS.

Ito ang mababasa natin sa ating mga diaryo sa araw na ito at maaaring madagdagan pa ng ibang balita na nauukol pa rin sa kamatayan.

oOo

Pero hindi ito ang ating tatalakayin kundi ang ibang mga bagay na nauukol sa kaligtasan at ibang disgrasya.

Karaniwang kokonte o walang natitirang miyembro ng pamilya sa ating mga tahanan sa panahon ng Undas.

Kung hindi pupunta ang pamilya sa mga malalayong lugar, sa mga sementeryo sila magpapalipas ng mga araw o gabi.

Kaya naman, bago natin lisanin ang ating mga tahanan ay maging alerto tayo sa ilang mga bagay.

Narito ang ilang katanungan na mahahalaga:

Lahat ba ng pupuwedeng pagsimulan ng sunog ay naisaayos na?

Paano ang mga pasukan ng mga akyat-bahay?

Hindi natin pupuwedeng sabihin na maakyat-bahay ka na ng 10 beses huwag ka lang masunugan.

Parehong perhuwisyo yan, Suki.

oOo

Pagdating naman natin sa mga libingan, may ilan ding dapat na gawin.

Kung may sasakyan tayo, siguruhin nating pagbalik natin sa ating sasakyan ay naroroon pa ito o laman pa ang mga gamit nating naiwan doon.

Ang mga mandurukot at salisi ay dapat ding bantayan.

Alam naman ninyo, Suki, kung takot ang marami sa multo, ang mga multo naman ang takot sa mga hinayupak na ito.

Maganda ring may dala tayong mga selpon na may laman at hindi lobat.

Magandang gamit yan laban sa mga kriminal at disgrasya at para na rin sa pagtutulungan sa kaligtasan ng lahat ngayong Undas.

Happy Undas sa inyo!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply