Hari ng ‘paihi’ sa Bulacan hindi hinuhuli ng kapulisan

SILIPIN po natin itong talamak na ‘paihi’ ng langis ni alyas Goto V. ng San Rafael, Bulacan.

Malakas at hindi po natitinag ang paihi ng langis ni Goto V. sa Bulacan, Bataan at Subic.

Heto ang modus-operandi ni Goto V.: ang mga Petron na truck container na hawak niya ay binabawasan niya ng langis.

Walang sinoman sa mga kapulisan ang nangangahas na humuli sa ‘paihi’ ng langis ni Goto V dahil nakatimbre sa kanya ang lahat ng opisyales ng Philippine National Police (PNP).

Ibang klase ang impluwensiya ni Goto V sa PNP dahil pag nakikita siya ay sinasaluduhan pa siya.

Kaya kahit iligal ang aktibidades niya ay hindi siya hinuhuli ng mga kinauukulan.

Club na front ng prostitusyon

Sa Quezon City naman ay patuloy ang pagpapalabas ng bold shows sa Metalica Disco sa Quezon Ave. Bukod kasi sa bold shows ay garapalan din ang quicky sex (gimmick) sa mga VIP room sa nasabing club.

Palibhasa wala raw ipinagmamalaki ang Metalica Disco kundi ang pakialame-rong “Papa Mayor” ni QC Mayor Herbert Bautista.

Sauna na malakas kay Mayor Calixto

Sa Pasay City naman ay hindi pa rin daw ipinapadlak ni Pasay City Mayor Antonio Calixto ang Lapu-lapu Sauna Parlor sa kabila ng lantaran na front ito ng “prostitusyon.”

Sa halip kasi na masahehin ng mga sauna attendant ang mga katawan ng kanilang mga kostumer ay sex ang kanilang iniaalok sa mga nagpupunta rito.

Wala raw pinipili ang sauna parlor na ito basta may P800 lang ang kostumer ay makakaniig na nito ang sinomang magustuhan niyang attendant.

Malakas daw sa city hall ang nasabing sauna parlor kaya ‘di ito mapadlak.

Anomang reklamo o puna  ay i-text lang sa 0918927-4764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply