Harina lalagyan na ng suggested retail price

POSIBLENG lagyan ng suggested retail price (SRP) ang harina dahil sa hindi pagsunod na ipinapapataw na tamang itinakdang presyo.

Ayon kay Trade Secretary Gregory Domingo, may ilan flour miller na hindi nakikisama at walang habas sa pagtataas ng presyo ng harina at sinasamantala ang nagdaang kalamidad.

Napag-alaman na bumaba na ang bentahan ng harina sa merkado mula sa $454 kada metriko tonelada noong buwan ng Enero, ay bumaba na ito sa $402 kada metriko tonelada.

Pagsampa naman ng buwan ng Agosto ay pumalo na lamang sa P930 ang bawat 25 kilo nito.

Ang pagtatakda ng SRP ay para mabigyan ng gabay ang mga konsyumer sa presyo ng kanilang binibiling produkto lalo na ang pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay.

Kaugnay nito ilalaban ng Department of Trade and Industry (DTI) na mananatili sa P1 hanggang P1.50 ang presyo ng kada 25-gramong pandesal sa gagawing pakikipagpulong ng ahesnya sa bakers at millers.

Tatalayakin sa naturang pulong ay ang nakaambang pagtaas ng presyo ng produktong tinapay partikular na ang pandesal dulot na rin ng nakatakdang pagtaas ng presyo ng harina at iba pang sangkap sa paggawa nito tulad ng asukal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply