Harvardian college tinuluyan na ng CHED

NATULUYAN nang ipinasara ng Commission on Higher Education (CHED) ang Havardian College sa San Fernando City, Pampanga.

Ayon kay Ched Executive Director Julito Vitriolo, pinad-lock na nila ang Havardian College nito lamang Martes dahil sa gross and serious violations sa polisiya, standards at guidelines ng nabanggit na eskwelahan.

Dahil dito, sinabi ni Vitriolo na hindi na maaaring tumanggap pa ng estudyante ang Havardian College ngayong second semester.

Nabatid na noon pang Setyembre 2 ng taong ito ipinag-utos ng CHED Commission En Banc ang pagpasasara ng Havardian College at inabot pa ang komisyon ng anim na linggo bago naipatupad ang desisyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply