Health Is Wealth Fun Run

SA KAPAKANAN ng kalusugan at pag-iwas sa sakit, isang patakbo ang raratsada sa kapaligiran ng Frontera Verde, Tiendesitas sa Ortigas Center sa Pasig City bukas (Oktubre 16).

Binansagang Health Is Wealth Fun Run ang 3-in-1 foot race na may 10-kilometrong distansiya ay may mga side events na 5-km at 3-km ruta.

Tiyak na dadagsain din ng mga mananakbo ang Triple Crown Challenge ng nabanggit na karera na kung saan ang koponan na may sampung miyembro ay mahihirang na grand champion na may kalakip na insentibong P20,000.

Ang halagang P7,000, P5,000 at P3,000 ang mapupunta sa unang tatlong lalaki habang P3,000, P2,000 at P1,000 ang iuuwi ng women runners na makakauna sa 3-km run.

Sa karagdagang impormasyon mangyaring tawagan si Alvin Balderrama sa telepono bilang 02-571-0524 at/o 532-1645 para sa iba pang detalye. Radito Torres

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply