Hearing sa Charter Change itutuloy sa Martes

BAGAMA’T hindi suportado ng Malakanyang ang pagsusulong ng Charter Change (Cha-Cha) itutuloy sa Martes (Oktubre 11) ang hearing nito sa Kongreso.

Sa gaganaping pagdinig, imbitado ang ilang business leaders, stakeholders at foreign chambers na nais tumulong sa pagsulong ng Cha-Cha.

Sinabi ni Misamis Occidental Rep. Loreto Leo Ocampos na ipagpapatuloy nila ang hearing para sa economic provisions ng Charter Change.

Tiniyak ng liderato ng Kamara na itututloy nila ang pagsusulong ng Cha-Cha kahit malamig ang pagtanggap ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino sa panukalang baguhin ang saligang batas sa pamamagitan ng bicameral constituent assembly.

Aminado si House Majority Floor Leader Neptali “Boyet” Gonzales na hindi parte ng priority agenda ni Aquino ang Cha-Cha. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply