Heart Evangelista at Daniel Matsunaga bigo pa ring magpartner sa soap opera

SOBRA-SOBRA na ang ingay ng pagmamahalan nina Heart Evangelista at Daniel Matsunaga. Inip na ang kanilang fans na mapanood silang dalawa bilang love-team sa isang project na pangtelebisyon at pelikula.

Tulad ngayon, may bagong sisimulan nang soap si Heart Evangelista, ang “Legacy” na top billing sila ni Lovi Poe at nag-iisang lalaki na pag-aagawan nila ay si Geoff Eigenmann. Magsisimula na itong ipalabas ngayong October sa GMA-7.

Wala naman sa listahan si Daniel, super lakas ng appeal ng dalawa sa mga live show na pinupuntahan nila. Kilig na kilig sa kanila ang fans.

Super bagay raw kasi silang dalawa.

Kahit sa pelikula, tulad ng “Temptation Island,” sina Heart at Aljur Abrenica ang magpartner.

Sadya bang tinatakaw lang ang fans nina Heart at Daniel?

000

Masculados members na sina Orlando Sol, Ozu Ong di nagkailang gumagamit ng condoms

NAPANOOD namin nu’ng Huwebes ng gabi ang live concert ng Masculados 2 sa The Library kung saan fullpack talaga ang comedy bar theater.

Sobrang lakas ng hiyawan kapag gumigiling na ang Masculados habang kumakanta. Walang kupas ang appeal nila sa mga matrona’t bading. Aba, may nakita rin kaming mga teenager na tumitili sa kanila.

Sabi nga ni Direk Maryo J. delos Reyes, ang manager ng grupo, walong taon nang hindi nagbabago ang appeal ng tao sa Masculados 2. Talagang sinusundan sila ng kanilang fans kahit saan pumunta.

Kasi ba naman nakita naming total performer ang grupo. Sabay-sabay kung umindak. Kahit mga macho silang lahat, ang lalambot ng katawan kung sumayaw. May bago silang titillating single, ang Hawakan Mo Na!

Hiyawan ang audience sa double meaning ng song na Hawakan Mo Na! Ibang-iba ang tune nito sa isa pang sikat nilang single noon na Jumbo Hotdog.

Dahil sa success ng concert ng Masculados 2 sa The Library, may repeat performance ang grupo sa October 29. Ang special guest nila ay ang sexy at walang kupas sa pag-arte na si Katrina Halili. Sasayaw at kakanta naman si Katrina kasama ang Masculados 2.

****

Bago ang concert, nakausap namin ang dalawang super sexy na member ng grupo na sina Ozur Ong at Orlando Sol.

Mas kilala namin si Orlando Sol. Marami na kasi siyang nalabasang soap opera, indie films at stage play sa UP. Bale four years na siya sa pangangalaga ng manager niyang si Direk Maryo J. Delos Reyes. Dating member siya ng M-Gage, all male singing group na panay bagets pa noon.

Tanging si Orlando ang natira sa limang members ng grupo. Dalawa ay nag-asawa na! Dalawa ay nagtrabaho sa abroad dahil professional at may natapos na kurso sa kolehiyo.

Ani Orlando: “Survivor ako sa grupo. Hilig ko talaga ang pag-arte at pag-awit.”

Samantala, nasabi ni Orlando na hindi maiiwasan nilang all male group na Masculados 2 na makatanggap ng invitation na makipag-one night stand.

Kilala sila at pinapantasya ng female fans.

Ani Orlando: “Hindi ako plastic kaya aaminin kong minsan na rin akong nakipag-one night stand. Pero, super ingat siyempre ako pagdating sa ganyan. Well protected ako. Gamit ko siyempre ang condom. Ligtas sakit at di makabubuntis.”

Si Ozu naman ay baguhan sa grupo. Pumasok lang siya two years ago sa Masculados 2 dahil kaga-graduate lang niya sa kolehiyo nang mag-audition siya para sa grupo.

Bale uncle niya ang isang sikat na stuntman. Inilapit siya ng uncle niya kay Direk Maryo J. at on the spot na nag-trial para sa Masculados 2. Buti na lang, tanggap siya agad. Appealing kasi ang Tsinito at 6-feet tall na si Ozu.

Ani Ozu: “Di ko malilimutan ang first job ko dahil minus ang percentage ng manager ko, naka-P70,000 take home pay agad ako sa first month ko sa
Masculados 2. Kasi, nakapasok agad ako bilang artista. Nakasama ako sa mga soap opera ng GMA-7.”

Tulad ni Orlando, nakaranas din ng one night stand sa opposite sex si Ozu. Dumadating daw sa tao ang panahong may lumalapit na iyo na type mo rin! Pero protected siya ng condom!

Parehong single sina Orlando at Ozu ngayon. Mas gusto raw nilang maging single dahil gusto nilang pagtuunan nang husto ang kanilang yumayabong na career.

000

TATANGGALIN na ba ang characters nina Ynez Veneracion at Gabby Eigenmann dahil sobra-sobrang sama na talaga ang kanilang characters?

Dahil sa kanilang kasamaan ay napatay din nila ang kanilang sariling anak, na role ni Joyce Ching. Nadamay kasi si Joyce sa pagpatay ng assassin kay Kristoffer Martin.

Ang dalawang teenager ay may alam sa nangyayaring milagro sa mansion ni Lola Ana, role ni Gloria Romero.

Ani Ynez: “Di pa po kami tatanggalin sa soap ni Gabby, hanggang ending po kami. Kasi, tuwang-tuwa nga sa amin ni Gabby ang mga namamahala ng show dahil ang galing daw naming mang-inis sa programa.”

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply