Hidwaan sa lupa, dahilan sa pagpaslang kay Fr. Tentorio

HIDWAAN sa lupa ang nakikitang motibo ngayon ng mga awtoridad hinggil sa pagpatay sa Italyanong pari sa North Cotabato na si Father Faustino Tentorio.

Ipinabatid ni Eastern Mindanao Command Spokesman Lt. Col. Leopoldo Galon na aktibo si Father Faustino sa ipinaglalaban nitong mabigyan ng ancestral domain ang mga katutubo sa North Cotabato.

Aminado ang mga awtoridad na hirap silang matukoy kung sino ang responsable sa pamamaslang sa Italyanong pari.

Sinabi pa ni Lt. Col. Galon, na maraming anggulo ang kanilang tinitignan kaya’t blangko pa sila sa kasong pagpatay kay Fr. Faustino.

Maliban dito, inamin ni Galon na kakaunti lamang ang mga pulis sa bayan sa Arakan para mabigyang seguridad ang buong lugar.

Kaugnay nito ay nakahanap nang posibleng testigo ang Task Force Fausto kaugnay ng pagpatay sa kay Fr. Tentorio sa Arakan, Cotabato kahapon (Oktubre 17).

Sinabi ni Task Force Fausto Commander General Lester Camba na bagama’t may kalayuan o nasa 200 metro ang layo ng testigo, nakita nito ang patakas ng suspek na sumakay sa isang motorsiklo at may naghihintay na isang kasama.

Ayon kay Camba, lumalabas sa paunang pagsisiyasat na inabangan na ng suspek ang pari at posibleng minanmanan ng ilang araw ang aktibidad nito dahil alam kung kailan ito paalis ng simbahan.

Sa ngayon, wala pang malinaw na motibo at suspek sa krimen bagama’t di inaalis ang posibilidad na may kinalaman ito sa pagtutol ng pari sa pagmimina sa lugar kahit noon pang 2007 o sa dati nang banta sa kanyang buhay.

Kumbinsido naman ang mga indigenous people na may kinalaman sa pakikipaglaban para sa karapatan ng mga lumad ang pagpatay kay Fr.Tentorio.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply