Highway Patrol at LTO matitinding mangotong

ANG mga matatakaw na miyembro ng Highway Patrol Group at Land Transportation Office sa Cabanatuan City na sobra kung mangikil sa mga pobreng driver ang atin pong bibigwasan sa espasyong ito ngayon.

Mantakin ninyo, alas-kwatro pa lang ng madaling araw ay nasa kalsada na ang mga ito na nag-aabang ng kanilang makikikilan.

Nasaan ngayon ang sinasabi ni Pangulong Noynoy Aquino na “bawal ang kotong” sa gobyerno niya?

Ang tindi pa ng mga ito na mangikil dahil kada huli ng mga ulol na ito sa mga nahuhuli ay sinisingil nila ng  P500.

Aba’y PNP chief Gen. Nicanor Bartolome at LTO chief Virgie Torres, Sir and Mam, baka hindi po ninyo alam ang ginagawang pangingikil ng inyong mga tauhan sa Cabanatuan City.

Basahin ninyo ang nilalaman ng text message na itineks po sa akin.

Gud pm, Mr. Juan de Sabog.

Ako ay si Dante Esguerra ng Malabon City. Pakikalampag naman ang matatakaw na highway Patrol at LTO sa Cabanatuan City. Alas-kwatro pa lang ng madaling araw nanghuhuli na kahit walang violation.

Ang matindi pa po rito ay P500 ang lagayan pag nahuli ka nila. Sobra na pong pahirap sa aming mga driver ang mga ‘yan. Sana sa pamamagitan ninyo, Mr. De Sabog, ay mahinto na ang kotong rito.

Walang tigil ang pasugalan

Walang tigil ang operasyon ang mga puwesto pijong sakla sa lalawigan ng Cavite kahit na ipinahinto na ni R-4 RD Gen. Gil Meneses ang operasyon ng iligal na pasugalan.

Ang mga saklahero na buong tapang na nag-o-operate ay sina Danny Itlog, Amy, Landong Bulag at Perry na buong tapang na nagpapasakla.

Palibhasa malaki ang lagay nila kay Cavite PD Supt. John Bulalacao.

oOo

Anoman pong reklamo, mangyari lang na i-text sa 09189274764, 0926671-9269 o i-email sa juande-sabog@ yahoo. com.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply