Higit 100 katao namatay kina “Pedring” at “Quiel”

BASE sa pinakahuling datus na ipinalabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, pumalo na sa 101 katao ang namatay dahil sa dalawang bagyong sumalanta sa ating bansa.

Nakapaloob din sa naturang report ng NDRRMC ay lumagpas na ng apat na milyon katao ang naapektuhan sa mga bagyong “Pedring” at “Quiel”.

Bilyong-bilyon halaga naman ng mga ari-arian at inprastraktura ang nangasira. Nilagpasan na umano ng ang halaga ng mga nasira ng bagyong “Ondoy” ayon sa pinakahuling report na natanggap ng ahensiya ni Director Benito Ramos.

Sa ngayon ay mayroon pang 27 kalsada ang hindi pa nadadaanan. Kabilang dito ang 11 kalsada sa Gitnang Luzon, pito sa Cagayan Valley at siyam sa Cordillera.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply