Hiling na TRO ng PMI inisnab ng CHED

HINDI bibigyan ng Temporary Restraining Order ng QC Regional Trial Court ang Philippine Maritime Institute (PMI), ito ang pahayag ni Judge Aurora Hernandez-Calledo.

Aniya, tuloy ang pag-aalis sa mga kurso ng PMI na BS Marine Transportation (BSMT) at BS Marine Engineering (BSMarE) dahil sa hindi pagsunod sa mga patakaran.

Ayon kay CHED Legal Director Atty. Carmelita Yadao-Sison, humingi ng TRO ang PMI ngunit ibinasura ito ng korte noon pang Biyernes.

Sinabi ng PMI na ginawa na nila ang compliances noon pang unang sementre ng  SY 2011-2012 kaya hindi makatarungan ang desisyon ng CHED na ipasara ang dalawa nilang kurso.

Gayunman, iginiit sa korte nina CHED counsel Asst. Solicitor General Renan E. Ramos at Solicitor James Cundangan na hindi nakasunod sa patakaran ang PMI.

Sinabi rin nilang hindi mahihirapan ang mga estudyante dahil sila mismo ang maglilipat sa mga ito sa mas mahusay na paaralan.

Mismong si CHED NCR Regional Director Catherine Q. Castaneda umano ang mamamahala sa transfer ng mga estudyante sa 12 maritime schools sa Metro Manila.

Naghahanda na rin ang CHED ng mga mekanismo upang tulungan ang mga apektadong titser ng PMI upang mas mapabuti ang kanilang pagtuturo upang makalipat din sila sa ibang eskwelahan.

Ayon sa CHED, ginagawa nila ito para na rin sa kabutihan ng mga mag-aaral na nagbabayad ng napakamahal na tuition fees.

Malaki umano ang tiwala ng ibang bansa sa mga seaman na Filipino kaya dapat lamang na imantine ang husay natin sa larangang ito.

Noong isang taon, sinabi ni Department of Foreign Affairs Assistant Secretary Leslie Baja kay DOLE Secretary Rosalinda Baldoz ang sinabi ng European Maritime Safety Agency (EMSA) ng European Union na hindi na nila kinikilala ang Pilipinas na nakasusunod sa International Convention on the Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW).

Nagsagawa ang EMSA ng sarili nilang audit sa Philippine maritime schools at napag-alamang maraming eskwelahan ang may kakulangan, partikular ang PMI maritime courses.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply