Hillary Clinton bibisita sa Pilipinas

KUMPIRMADO na ng Department of Foreign Affairs (DFA) na bibisita ang Secretary of State ng Amerika na si Hillary Clinton sa darating na Nobyembre 15 sa isang opisyal na kapasidad.

Ayon kay DFA Sec. Albert del Rosario, isang araw lamang ang nasabing pagbisita sa bansa ni Clinton at bahagi ng kanyang gagawin ay ang bilateral meeting kay Pangulong Benigno Aquio III.

Nang tanungin ang kalihim ng DFA kung may kinalaman sa West Philippine Sea ang pagbisita ng state secretary, sinabi ni del Rosario na bilateral at multilateral issues lamang ang pag-uusapan ng dalawang mataas na pinuno.

Mauuna munang dadaluhan ni Clinton ang Asia Pacific Economic Cooperation Summit na gaganapin sa Honolulu, Hawaii sa isang buwan bago pumunta rito at pagkaraa’y tutungo naman ng Bali Indonesia upang dumalo sa ASEAN Summit.

Inimbita umano ni del Rosario si Clinton na bumisita sa bansa noong nagtungo si Pangulong Aquino sa Washinton D.C. noong Setyembre. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply