Hindi raw gugustuhing makita ni Cristy si Nora Aunor!

AYAW mag-comment ni Cristy Fermin tungkol sa isyu sa kanila ngayon ni Nora Aunor.  Todo ang pakiusap niyang huwag nang tanungin about that.

“Huwag na anak. Same roof,” aniya nga. “Nakakahiya.”

“Kagaya nga ng naisulat ko sa column ko, respeto ko na lang sa TV5.  “Respeto ko sa mga boss. Iyon ang dahilan kung bakit ako’y tahimik.”

Pero talagang makulit kami na mapagsalita siya. Kaya napilitan na ring magsalita ang columinist-TV host.

Totoo ba talagang ipinatatanggal siya ni Nora sa TV5?

“Hindi siya nakarating sa itaas,” sa management ng Kapatid Network ang ibig niyang sabihin.

Ano nga ba ‘yong mismong naging dayalog ni Nora sa kausap na staff from TV5 base sa nakarating din sa kanya?

“Ilan ang shows niya sa inyo?…Tatlo po at saka isang radyo…It’s about time na mamili ang istasyon between her and me.”

Pero di ba okey naman sila ni Nora no’ng dumating ito sa bansa?  Na-interview pa nga niya para sa Paparazzi?

“Plastik nga, e.”

Ano ba ang pinagmulan no’ng kinikimkim na galit pala sa kanya ng Superstar?

“Si John Rendez.

“Tinira ko raw siya (John) no’ng 2008.

“May dalang diyaryo (si John nang sumunod kay Nora sa Pilipinas).‘Yong Bulgar na 2008 pa.

“Dalawang buwan na lang 2012 na. 2008 pa ‘yong ipinakikipaglaban mo?” si John ang kanyang tinutukoy.

Alam na ng management ng TV5 ang tungkol dito. Meron na nga raw statement ang network hinggil sa usaping ito.

Ano ba ang sinabi ng pamunuan ng istasyon sa kanya?

“There was never a chance na na hiningi ako ni Nora (ipinasisibak ang ibig niyang sabihin) sa kanila.

“At kung sakali man (na may nangyaring gano’n), hindi ako umaasa ng pangit na resulta. Mapagpahalaga kasi ang 5 sa mga ganyan.

“Siguro ang akala ni Nora, 70’s pa. Panahon pa ng Tower(Productions).”

Hindi pa sila nagkita ni Nora?

“Hindi ko siya gugustuhing makita.”

If by accident magkita sila?

“Walang aksidente sa mundo. Naiiwasan ‘yan!”

E kung mag-guest ulit si Nora sa Paparazzi?

“Hindi siya magi-guest dito sa show. Ayaw niya.

“Ni magpa-interview nga sa crew ng Paparazzi at Juicy, ayaw niya, e.

“Kaya nga ang sabi ko sa radio (radio program niya sa Radyo 5 ng TV5)…bakit ayaw mong magpa-interview sa mga kasamahan ko?

“Ang Juicy ba at Paparazzi ipinapalabas sa ibang istasyon?

“Di ba isang payong lang ang kinasusukuban natin?

“Ang ayos-ayos nang dumating siya. Ininterbyu ko pa ng pinakamahabang interview. Pagdating kay Boy Abunda (sa interview kay Nora for The Buzz)… merong isang reporter-TV host na nando’n sa kinapipirmahan kong istasyon…magtutuos kami isang araw… magkikita at magkikita kami!

“No’ng ininterbyu ko siya, wala naman akong napansing may kinikimkim pala siyang galit sa akin.”

Baka naman may nagsulsol o nanggatong kay Nora para maalala ‘yong mga lumang isyu na nga?

“Kaya nga. Di ba sulsulin naman siya (Nora)?

“Si John Rendez nga no’ng dumating. Ipinakita ‘yong 2008 na blind item ko sa Bulgar. Inaangkin niyang siya ‘yong nasa blind item ko.

“Gisingin na lang niya (Nora) ang mga Noranian nang tumaas ang rating niya.

“2.8  ang rating ng Sa Ngalan Ng Ina.

“Gisingin niya ang mga Noranian.”

Paano maaayos ‘yong sigalot sa kanila ni Nora, sa tingin niya?

“Pakialam ko sa kanya!

“Nabuhay ako nang wala siya.

“Nabuhay din siya nang wala ako.”

Paano kung isang araw ay matauhan si Nora at biglang dumating sa radio program niya halimbawa para kausapin siya?

“Si Nora hindi gano’n.

“Hindi natin puwedeng gamitan ng mga ganyang hypothetical si Nora,” natatawang sabi ni Cristy.

“Dahil ang buhay niya ay isang hypothetical story.

“Tumigil nga siya!” ending nasabi na lang ni Tita Cristy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply