‘Hired goons’ ng PAL pinabubusisi ng solon

NAIS ng ilang kongresista na agad tukuyin ng gobyerno kung may pananagutan ang Philippine Airlines sa ginawang pagtatanggal sa mga empleyado nito.

“Laying off workers was a dirty trick in Lucio Tan’s book of bad management, but hiring goons to clean up the mess is simply criminal,” ayon  kay Akbayan Rep. Walden Bello.

Sinabi ni Bello na kailangang mailatag na ng pamahalaan ang pagtukoy sa kung sino ang dapat na managot sa nangyayari sa PAL dahil lumalala aniya ang sitwasyon.

Nanawagan si Bello ng isang imbestigasyon sa naganap na marahas na insidente sa isa sa pinagkakampuhan ng mga inalis na empleyado na ikinasawi ng isa at ikinasugat ng walong katao dahil sa umano’y panghihimasok ng mga aniya’y hired goons.

“The labor dispute between Palea and PAL has literally turned into a matter of life and death,” ayon kay Bello.

Nais ni Bello na magkaroon ng agaran at patas na imbestigasyon sa panibagong usaping ito sa PAL.

Aniya, hindi malayong gawin diumano ng management ng PAL na nagtanggal ng may 2,000 empleado na gumamit ng dahas para lamang maitaboy ang mga nagpoprotesta.

“PAL is trying to play the victim, crying libel for being accused of hiring goons to disperse the protest. And since the protest has not ceased for a month now, you see management getting fidgety and trying to play all the cards available just to get rid of the protests,” giit pa ni Bello.

Nagpahayag din si Bello ng pangamba na lumala pa ang sitwasyon sa PAL dahil kung hindi ito lulutasin sa legal na pamamaraan ng management ay hahanap at hahanap ng paraan ang mga nagpo-protesta upang makamit ang hustisya. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply