Hired killers, tinutukan sa high profile cases

NAKATUTOK ang pansin ngayon ng pulisya sa sang grupo ng hired killers na nasa likod ng tatlong unsolved high-profile murders sa Malabon City.

Ayon sa A1-information na nakuha ng Philippine National Police, ang mga suspek na pumatay kay dzME broadcaster Marlina Sumera, negosyanteng si Michael Buquid at kay international practical shooting team member Michael Lontoc ay namumugad sa isang squatters’ colony sa Barangay Catmon na hindi basta-basta mapapasok ng awtoridad.

Ayon pa sa source, bukod pa rito ay pinatay sina Sumera, Buquid at malapit sa M.H. del Pilar Avenue sa Malabon City, na may labasan o daanang palabas sa isang saradong lugar sa Barangay Catmon.

“Kung baga sa daga, maraming lagusan ang lugar kaya bago pa makarating ang pulisya sa bahay ng hired killers ay siguradong natimbrehan na sila ng kanilang kapitbahay,” pahayag ng ayaw magpakilalang opisyal ng PNP.

Ang nakapagtataka pa aniya, ni isang suspek ay wala pa ring nahuhuli ang awtoridad kaya suspetsa nilang ang hired killers ay hawak ng mga maimpluwensiyang inidibidwal sa lipunan.

Si Sumera na residente ng Barangay Maysilo ay naglalakad noong Marso 24 malapit sa M H del Pilar Avenue ng alas 9:35 a.m. nang pagbabarilin ng mga hindi nakikilang armadong kalalakihan.

Noon namang Hulyo 20, ala 1 p.m., si Buquid, may-ari ng drug company sa 20th Pharma Trade sa Mandaluyong City, ay binaril ng 2 motorcycle-riding suspect na tumakas din papuntang M.H. del Pilar Avenue. At dakong alas 4:40 p.m., ng Setyembre 25, si Lontoc ay inambus naman ng may apat armadong kalalakihan habang nagmamaneho ng kanyang Toyota Hilux sa may M. H. del Pilar Avenue rin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply