Holdaper tepok sa pulis Maynila

ISANG holdaper ang napatay matapos itong manlaban sa lungsod ng Maynila umaga ng lunes, ika-24 ng Oktubre.

Ayon sa report ng DZBB, hinabol umano ng kapulisan ang suspek at pinaputukan nito ang humahabol sa kanya kung kaya’t napilitan ang mga pulis na gumanti.

Natamaan sa itaas na bahagi ng katawan ang holdaper na siyang ikinamatay nito sa westbound ng Quirino Highway sa Singalong sa Maynila.

Dagdag pa ng pulisya, ang suspek at ang kasamahan nito ay kakaholdap pa lamang ng isang ginang na nakatira malapit sa lugar na pinangyarihan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply