Holdaper tumimbuwang sa Quezon bridge

PATAY ang isang hinihinalang holdaper nang ratratin ng hindi nakilalang mga lalaki sa Quezon bridge, papuntang Quiapo, Maynila ngayong alas-6 ng gabi.

Hanggang sa kasalukuyan ay nakahambalang pa rin ang bangkay ng biktima habang hinihintay ang operatiba ng Manila Police District, nagdudulot na ng mabigat na trapiko sa lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, naglalakad ang biktima sa lugar nang basta na lamang ratratin ng mga tumakas na suspek.

Lumalabas na kilalang holdaper ang biktima na ngayon ay inaalam pa ang pagkakilanlan ng pulisya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply